NOW ON AIR
11:00-13:00
George Cockle
渡辺麻耶

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Mangyaring Gamitin Ninyo ang “Shinagawa City Bicycle Share” Program

Shinagawa Info
2022/03/02


Shinagawa Info

3-2-2022


Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay tungkol sa “bicycle share” program.


Mayroong 87 bicycle ports o (itinalagang mga lugar ng bisikleta) sa Shinagawa City at makakahiram kayo ng bisikleta sa halagang 165 yen para sa tatlumpung minutos.


Kalakip sa ‘bicycle share’ program ang insurance na sakop ang anumang pinsalang matamo ninyo kapag naaksidente pati na rin damage compensation na babayaran sa iba kaya magagamit ninyo ito na walang pag-alala.


Sa kasalukuyan, malawak ang kooperasyon sa labing-isang lungsod ng Shinagawa, Chiyoda, Chuo, Minato, Shinjuku, Bunkyo, Koto, Meguro, Ota, Shibuya at Nakano.

Sa mga lungsod na ito, maaari kayong humiram o magbalik ng mga bisikleta sa anumang bicycle port.


Bakit hindi ninyo subukan ang maginhawa at komportableng paggamit ng bisikleta sa pag-commute o pamimili?


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Civil Engineering Management Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6615.


---

(Audio) 3-2-2022 Nasa Himpapawid - “Mangyaring Gamitin Ninyo ang “Shinagawa City Bicycle Share” Program”

---


品川区には、区内87カ所に、サイクルポート(専用駐輪場)があり、30分165円から、自転車を借りることができます。


シェアサイクルには、事故による自身のケガや他人に対する損害賠償に備える保険がついているので、安心してご利用いただけます。


現在、品川区を含めた、千代田・中央・港・新宿・文京・江東・目黒・大田・渋谷・中野の11の区で、広域連携をしており、11区内であれば、どのサイクルポートでも借りたり返したりすることができます。


便利で快適なシェアサイクルを利用して、通勤や買い物などをしてみてはいかがですか。


くわしくは、品川区役所 土木管理課 電話番号03-5742-6615までお願いします。