NEWS

Pagparehistro at regular group rabies vaccination para sa mga aso

Shinagawa Info
2024/04/17


Shinagawa Info

4-17-2024


Ang rabies prevention law ay nag-aatas na irehistro ang anumang aso na pagmamay-ari ninyo na 91 days old o pataas at mabakunahan sila minsan sa isang taon.


Kung ang inyong alagang hayop ay may microchip, maaari itong irehistro sa pamamagitan ng website ng Ministry of Environment sa “Registration for Microchipping Dogs and Cats”.

Kung hindi, maaari itong mairehistro sa city office.


Para sa rabies shots, mangyaring gamitin ang group vaccination service. Ito ay available sa labing-limang itinalagang animal hospital sa siyudad hanggang Abril 30, Martes.


Kung hindi ninyo ginagamit ang group vaccination service, mangyaring pabakunahan ang inyong alagang hayop sa isang animal hospital bago Hunyo 30, Linggo at magsumite ng electronic application o mag-apply para sa issuance ng isang vaccination tag sa Public Hygiene Section counter ng Shinagawa Public Health Center o mga counter sa Shinagawa Health Service Center, Ebara Health Service Center, o Regional Centers.


Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Public Hygiene Section ng Shinagawa Public Health Center sa 03-5742-9132.


---

(Audio) 4-17-2024 Nasa Himpapawid – “Pagparehistro at regular group rabies vaccination para sa mga aso”

---


品川区からのお知らせです。


生後91日以上の犬は、一生に一度の飼い犬の登録と、「年1回の狂犬病予防注射」が法律で義務付けられています。


登録は、マイクロチップが入っている場合は、環境省の「犬と猫のマイクロチップ情報登録」サイトから、入っていない場合は、区の窓口で行うことができます。


狂犬病予防注射は、集合注射をご利用ください。

区内15カ所の指定動物病院で、4月30日(火曜日)まで実施しています。


集合注射を利用しない場合は、6月30日(日曜日)までに、動物病院で注射を受け、電子申請、または、品川区保健所生活衛生課、品川保健センター、荏原保健センター、各地域センターの窓口で注射済票の交付申請をしてください。


お問い合わせは、品川区保健所生活衛生課

電話番号 03-5742-9132 までお願いします。