Shinagawa Info
11-20-2024
Isang illumination event na tinatawag na “Meguro River Minna no Illumination 2024” ang isinasagawa upang magkaroon ng kulay ang Meguro River.
Sa durasyon ng event, ang mga matingkad na LED bulbs na nakahanay sa Meguro River ay lumilikha ng kamangha-manghang ilusyon na ang mga cherry blossom ay namumulaklak sa taglamig.
Ang mga illumination ay ginagamitan ng kuryente na nalikha sa pamamagitan ng ginamit na mantika na nakolekta galing sa komunidad. Ibig sabihin, ang kuryente ay 100% na likha at nagamit ng komunidad.
Ang event ay tatakbo hanggang Enero 13, 2025, Lunes (isang national holiday), kung saan ang illumination ay matutunghayan sa pagitan ng 5pm at 10pm.
Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Culture and Tourism Strategy Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6913.
---
(Audio) 11-20-2024 Nasa Himpapawid - Isinasagawa ang “Meguro River Minna no Illumination 2024”
---
目黒川を彩る「目黒川みんなのイルミネーション2024」が開催中です。
鮮やかなLED電球が目黒川沿いに並び、冬に桜が咲いたような幻想的な光景が広がっています。
このイルミネーションは、周辺地域から回収した、使用済みの食用油を再生エネルギーに代えて点灯させており、100%のエネルギー地産地消を実現しています。
開催期間は、令和7年1月13日(月曜日・祝日)まで、点灯時間は、午後5時~10時までです。
お問い合わせは、品川区役所 文化観光戦略課
電話番号 03-5742-6913 までお願いします。