NOW ON AIR
07:00-07:55
五十嵐彰

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Idineklara ang State of Emergency

Shinagawa Info
2021/02/03

Ang Tokyo ay kasalukuyang nasa State of Emergency.


Upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon, hinihiling na tayo ay manatili sa loob ng tahanan hangga’t maaari maliban kung kailangan sa pang-araw-araw o para mapanatili ang maayos na kalusugan. 

Narito ang iilang dahilan para lumabas: pumunta sa isang ospital, mamalengke ng pagkain, gamot o araw-araw na pangangailangan, pumasok sa trabaho, lumabas para maglakad o mag-ehersisyo.


Kinakailangan ang ibayong pag-iingat kung dapat na lumabas lalo na paglagpas ng alas 8pm.

Aalalahanin din palagi na magsuot ng face mask, hugasang maigi ang mga kamay at iwasan ang tatlong C.


Ang Shinagawa City ay patuloy na nagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon. 

Hinihiling ang inyong malawak na pang-unawa upang maprotektahan ang sarili, inyong pamilya at mga mahal sa buhay, pati na ang lipunan kung saan tayo nakatira.


Paki-check ang official website ng Shinagawa City para sa mga ipinapatupad ng siyudad laban sa bagong coronavirus infection.


Para sa mga katanungan, pakitawagan ang General Affairs Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6624.

---

(Audio) 2-3-2021 Nasa Himpapawid - “Idineklara ang State of Emergency”

---

東京都に、「緊急事態宣言」が発令されています。

感染の拡大を防ぐため、医療機関への通院、食料・医薬品、生活必需品の買い出し、必要な職場への出勤、屋外での運動や散歩など、生活や健康の維持のために必要な場合を除き、原則として外出は控えてください。

特に、夜8時以降は、徹底した不要不急の外出の自粛をお願いします。

そして、マスクの着用、手洗いを徹底し、3密を避けましょう。


品川区は、感染拡大を防止するため、引き続き対策を行っていきます。

みなさんも自分自身を守るため、家族、大切な人を守るため、そして、私たちが生活する社会を守るため、ご理解をお願いします。

なお、品川区の新型コロナウイルス感染症対策については、品川区公式ホームページをご確認ください。 

お問い合わせは、品川区役所 総務課 電話番号03-5742-6624までお願いします。