NOW ON AIR
09:00-09:55
Vance K

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Exhibition ng mga gawa ng mga taong may kapansanan

Shinagawa Info
2020/11/18

Ang exhibition ng mga gawa ng mga taong may kapansanan ay gaganapin sa “Guruppo”, isang general support facility ng Shinagawa City para sa mga taong may kapansanan sa katawan na matatagpuan sa 3-7-7 Minami Shinagawa, Shinagawa City. 

Ang exhibition ay idadaraos sa mga sumusunod na petsa, Nobyembre 20 at 21, Biyernes at Sabado at Nobyembre 24 hanggang 26, Martes hanggang Huwebes.

Ang admission ay libre at sila ay bukas mula alas 9am hanggang alas 5pm.


Ang mga gawa ng mga may kapansanan ay naka-display sa hangaring lumalim ang pang-unawa ng mga tao sa mga kapansanan at pati na sa mga nagtitiis nito.

Tunghayan ninyo ang mga masterpiece ng Japanese calligraphy, painting at handicraft. 


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Welfare Section for People with Disabilities ng Shinagawa City Office.

Ang kanilang numero ay 03-5742-6707.

---

(Audio) 11-18-2020 Nasa Himpapawid - “Exhibition ng mga gawa ng mga taong may kapansanan”

---

11月20日金曜日、21日土曜日と、24日火曜日から26日木曜日まで、品川区南品川3-7-7、品川区立障害児者総合支援施設「ぐるっぽ」で、障害者作品展を開催します。


入場は無料です。

開催時間は、午前9時から午後5時までです。


障害と、障害のある方への理解を深めていただくために、障害のある方々が作った作品を展示します。

書道・絵画・手工芸の力作を、ぜひご鑑賞ください。


詳しくは、品川区役所 障害者福祉課 電話番号03-5742-6707にお問い合わせください。