NOW ON AIR
27:25-28:00
NO DJ

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Ang Setyembre 1 ay Araw ng Paghahanda sa Sakuna. Maghanda tayo para sa lindol

Shinagawa Info
2023/09/13


Shinagawa Info

9-13-2023


Ito ang Shinagawa Info.


Hindi natin alam kung kailan darating ang isang sakuna.


Ang pagiging handa sa ating araw-araw na pamumuhay ay makagawa ng malaking pagbabago sa isang emerhensya.


I-check ang tatlong sumusunod na mga paalala bilang mga hakbang para makasilong sa loob ng bahay.


Una, gumawa ng aksyon para maiwasan ang pagbagsak ng mga kasangkapan. Dapat gumawa ng mga hakbang sa pang-araw-araw na buhay upang maiwasan ang mga pinsalang dulot sa pagkahulog ng mga bagay at kasangkapan, at upang ligtas na makasilong sa loob ng bahay.


Pangalawa, i-check ang mga nakaimbak na suplay.

Inirekomenda na kayo ay maghanda ng suplay na pagkain at inumin para sa loob ng isang linggo. 

Dapat ding maghanda ng ‘portable toilets’ upang hindi kayo mag-alala sa paghahanap ng toilet kung sakaling magkaroon ng sakuna.


Panghuli, humingi ng suporta sa city residents’ evacuation centers. Maging ang mga nakasilong sa kanilang mga bahay ay maaaring makatanggap ng mga suplay at impormasyon sa city resident’s evacuation center. Tiyakin ninyo ang ligtas na ruta patungo sa evacuation center habang maaga.


Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Disaster Prevention Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6695.


---

(Audio) 9-13-2023 Nasa Himpapawid - “Ang Setyembre 1 ay Araw ng Paghahanda sa Sakuna. Maghanda tayo para sa lindol”

---


品川区からのお知らせです。


いつやってくるかわからない災害。

日頃の備えが「いざっ」という時を大きく左右します。


在宅避難のための対策として、次の3点について確認しましょう。


一つ目は、家具の転倒防止対策。

物の落下や家具の転倒などによるけがを防ぎ、自宅で安全に避難するため、日頃から対策しておきましょう。


次に、備蓄品などの確認。

食べ物や飲み物の備蓄の目安は、1週間分です。

また、災害時にトイレで困ることがないよう、「簡易トイレ」なども備蓄しておきましょう。


最後に、区民避難所での支援。

在宅避難をしている方でも、区民避難所で物資の配給や情報提供を受けることができます。

事前に、区民避難所までの安全なルートを確認しておきましょう。


お問い合わせは、品川区役所 防災課

電話番号03-5742-6695 までお願いします。