Shinagawa Info
7-31-2024
Ang mga residente ng Shinagawa City na bumili ng helmet ng bisikleta ay makakatanggap ng subsidy sa halagang 2,000 yen na gift certificate na magagamit sa loob ng siyudad.
Upang maging eligible para sa subsidy, ang dalawang sumusunod na pamantayan ay dapat matugunan:
1. Ang presyo sa pagbili ng helmet ay dapat nakatugon sa mga pamantayan sa kaligtasan at binili ito ng bago na dapat hindi mababa sa 2,000 yen.
2. Ang helmet ay dapat nabili noong Abril 1, 2024 o paglagpas nito.
Ang deadline para sa pagpadala ng inyong aplikasyon ay Marso 31, 2025, araw na Lunes.
Para sa mga detalye tulad ng paraan ng pag-apply at nilalaman ay mangyaring pakitingnan ang website ng Shinagawa City.
Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Regional Transport Policy Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6615.
---
(Audio) 7-31-2024 Nasa Himpapawid - “Subsidy para sa Pagbili ng Helmet ng Bisikleta”
---
自転車用ヘルメットを購入した品川区民の方に、区内共通商品券2,000円相当を助成します。
助成対象は、次の全てにあてはまるものです。
- 購入金額が2,000円以上で、安全基準を満たした新品のヘルメット。
- 令和6年4月1日以降に購入したヘルメット。
以上、2点です。
申請期限は、令和7年3月31日(月曜日)消印有効です。
内容や申請方法など詳しくは、品川区ホームページをご覧ください。
お問い合わせは、品川区役所 地域交通政策課
電話番号 03-5742-6615 までお願いします。