Shinagawa Info
7-3-2024
Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay tungkol sa “Hikari Waterfront Project.
Sa layuning gawing sentro ng pamamasyal at pakikipag-ugnayan ang waterfront ng Shinagawa City na umaakit ng maraming tao, labing-tatlong tulay sa Shinagawa City ang iniilawan sa mga kulay na tumutugma sa panahon.
Sa Hulyo at Agosto, ang kulay ay asul, na inspirasyon ng dagat. Ang mga ilaw ay matutunghayan mula sa bandang paglubog ng araw hanggang 10pm.
Ang mga lokasyon na iniilawan ay Shin-Shinagawa Bridge, Shinagawa Bridge, Egawa Bridge, Yojin Bridge, Mitake Bridge, Morinaga Bridge, Koseki Bridge, Suzukake Pedestrian Bridge, Yamamoto Bridge, Fureai K-shaped Bridge, Kamome Bridge, Katsushima Bridge, at Isle Bridge.
Ang mga ilaw ay maaaring palitan ng special production lights para sa mga event.
Kung may mga katanungan ay pakitawagan ang River and Sewerage Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6794.
---
(Audio) 7-3-2024 Nasa Himpapawid - “Hikari Waterfront Project”
---
品川区から、「ヒカリの水辺プロジェクト」についてのお知らせです。
品川区内の水辺が多くの人でにぎわう観光・交流の軸となることをめざし、区内13か所の橋を、季節に合わせた色にライトアップしています。
7月と8月は、海をイメージした青色です。
点灯時間は、日没頃~午後10時までです。
点灯場所は、新品川橋、品川橋、荏川橋、要津橋、三嶽橋、森永橋、小関橋、鈴懸歩道橋、山本橋、ふれあいK字橋、かもめ橋、勝島橋、アイル橋です。
イベントなどで、特別な演出の点灯に変わる場合があります。
お問い合わせは、品川区役所 河川下水道課
電話番号 03-5742-6794 までお願いします。