Shinagawa Info
6-8-2022
Magsisimula ang 4th dose ng Covid-19 vaccinations.
Ang mga karapat-dapat makatanggap ay ang mga taong animnapu at higit pa, at ang mga nasa labing-walo hanggang limampu’t-siyam na taong gulang na may kasalukuyang karamdaman o tinitingnan ng doctor na manganganib na magkaroon ng malalang sintomas kung mahawaan ng Covid-19.
Sa alinmang kaso, ang pagbakuna ay isasagawa kapag lumipas na ang hindi mababa sa limang buwan mula nang matanggap ang ikatlong shot.
Ang mga vaccine ticket ay ipapadala sa mga may edad na animnapu o higit pa sa pagkakasunud-sunod kung kailan natanggap ang ikatlong dose.
Kung kayo ay labing-walo hanggang limampu’t-siyam na taong gulang na may kasalukuyang karamdaman at gustong makatanggap ng ikaapat na dose, pakitingnan ang website ng Shinagawa City.
Ang mga katanungan ay dapat itawag sa Shinagawa City Covid-19 Vaccination Call Center sa 03-6633-2433.
Ang mga tawag ay masasagot din sa English at Chinese.
---
(Audio) 6-8-2022 Nasa Himpapawid - “Impormasyon sa 4th dose Covid-19 vaccinations”
---
新型コロナウイルスワクチンの4回目接種が始まります。
対象者は60歳以上の方、もしくは、18歳以上60歳未満の方のうち、基礎疾患を有する方、その他、新型コロナウイルス感染症にかかった場合の重症化リスクが高いと医師が認める方です。
いずれも、3回目接種から5カ月以上経過していることが条件となります。
接種券は、60歳以上の方には3回目接種を受けた順に順次発送します。
18歳以上60歳未満で基礎疾患等があり、4回目接種を希望する方は、品川区ホームページをご確認ください。
詳細や最新情報は、今後、品川区ホームページでお知らせします。
お問い合わせは、品川区新型コロナウイルスワクチン接種コールセンター 電話番号03-6633-2433までお願いします。
英語・中国語でも対応しています。